PANOORIN: Paano ba malaman kung gawa ng AI ang isang social media post?
Napakabilis na makagawa ng pekeng video at social media posts gamit ang artificial intelligence (AI). Ang teknolohiyang nasa internet ay maaaring gamitin sa panloloko.
Nagsimula itong gamitin upang makagawa ng pekeng video ads ng mga kahina-hinalang produkto. Ngayon, posible na rin itong gamitin sa darating na eleksiyon para lokohin ang mga botante.
Para hindi mabiktima at maloko, may mga aspeto ng video na maaaring suriin upang masigurong tunay ito. May mga teknolohiya rin na maaaring gamitin na makapagsasabi kung ginamitan ba ng artificial intelligence ang isang social media post o hindi.
Narito rin ang ilang paalaala para huwag mabiktima ng mga AI-manipulated posts sa social media. – Rappler.com
Presenter: Ailla dela Cruz
Producer, writer: Lorenz Pasion
Videographers: Naoki Mengua, Ulysis Pontares, Jeff Digma, Errol Almario
Video editor: JP San Pedro
Animation & graphics: David Castuciano
Associate producer: JC Gotinga
Supervising editor: Chay Hofileña
Supervising producer: Beth Frondoso