PANOORIN: Ang Bahay na Pula, at ang mailap na katarungan para sa mga ‘comfort women’
PAMPANGA, Philippines – Walong dekada na ang nakaraan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakatatanggap ng sapat na danyos ang mga tinaguriang “comfort women” – mga babaeng ginawang sex slaves ng mga sundalo ng Japanese Imperial Army noong World War II.
Dahil sa paggiit ng isang United Nations committee resolution noong 2023, na nagdeklara na ang pag-aatubili ng Pilipinas na tulungan ang mga “comfort women” na humingi ng danyos sa Japan ay paglabag sa Convention against Discrimination of Women, sinimulan ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr. ang isang programang social welfare aid.
Ang halaga ng ayuda ay tig-P10,000 na ipamamahagi nang tatlong beses, para sa kabuuang P30,000, para sa mga biktimang nabubuhay pa. Wala pang natanggap ang mga kaanak ng mga biktimang yumao na.
Ang Bahay na Pula, na nagsilbing piitan ng “comfort women” sa kamay ng mga sundalong Hapon, ay unti-unti na ring nasisira bagama’t dapat itong pahalagahan bilang memorial site. – Rappler.com
Presenter, writer, videographer: Lian Buan
Producer, editor, video editor: JC Gotinga
Videographer: Ramil Cedeño
Graphic artist: Marian Hukom
Supervising editor: Beth Frondoso